^

Metro

3 Chinese drug dealer, timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong Chinese national na pinaniniwalaang miyembro ng drug syndicate ang na­aresto ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO)-Regional Anti-Ille­gal Drugs Special Ope­rations Task Group sa isang operasyon sa Para­ña­que City kamakailan.

Kinilala ni NCRPO chief, Director Roberto Rosales ang mga nadakp na sina Sunxiao Xu, alyas William Chua, 25, ng Peru St., Better­ Living, Para­ñaque; Wenxian Hong, alyas Andy Hong, 32; Xiuqin Shi, alyas Kim Sy, 29, kapwa nanini­ra­han rin sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang RAID-SOTG noong Ling­go sa Doña Soledad, Better­ Living, Parañaque makara­ang makumpirma ang ope­rasyon ng natu­rang grupo.

Nakumpiska sa natu­rang operasyon sa mga sus­pek ang 7.5 kilo ng hini­hinalang shabu na may “street value” na P30 mil­yon at 20 pirasong P1,000 marked money na ginamit sa boodle money.

Ayon kay Rosales, si William Chua ay nakilala bilang isa sa maintainer ng shabu laboratory sa Ca­inta, Rizal na sinalakay ng pulisya noong 2009.

Nahaharap na ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naturang dayuhan.

vuukle comment

ANDY HONG

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPE

KIM SY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PERU ST.

REGIONAL ANTI-ILLE

SHY

WILLIAM CHUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with