^

Metro

Problema sa mga ospital sa Maynila, binabalewala

-

MANILA, Philippines - Tinawag ni Puwersa ng Masang Pilipino (PMAP) National Chairman Ronald Lumbao na malayo sa katotohanan ang sina­sabing prinayoridad ni Manila Mayor Alfredo Lim ang patungkol sa kalu­su­gan ng mga taga-lungsod.

Ito ang naging pahayag kahapon ni Lumbao kontra kay Lim bunsod ng uma­no’y pagkakalat ng mga para­tang ng alkalde sa kanyang mga caucus na umano’y may mga taong ‘sumasa­botahe’ sa mga ospital na nasa ilalim ng panga­ngalaga at pama­mahala ng Lungsod ng Maynila.  

Ayon kay Lumbao, hindi nakikita ng pamaha­laang lungsod ang nang­ya­yari sa loob ng mga ospital na bukod umano sa walang stock na gamot, sinisingil din ng kaukulang bayad ang mga pasyente rito sa paggamit ng mga hospital facilities na dapat sana ay libre o walang bayad.

Anito, “mismong ang mga tao, ang mga pas­yente na ang nagsasabi na walang supply na gamot sa mga hospitals natin sa Manila. Kapag na-ospital ka, ikaw pa ang kinakaila­ngang mag-provide o mag­produce ng gamot mo... ang masaklap dito, pati yung paggamit ng mga facilities ng hospitals na dapat sana ay libre rin ay pinapabayaran sa mga pasyente. Halatang hindi na alam ng Mayor ang nangyayari sa mga consti­tuents niya, obviously, ang mga nakapaligid na lang sa kaniya ang nagpa­pa­takbo ng lungsod,” pa­hayag ni Lumbao.

Samantala, sinegun­dahan rin ng isa pang Manila Mayoralty candidate ang naging pahayag ni Lumbao kontra Lim. Ani Nationalist People’s Coa­lition (NPC) na si dating PNP Chief at Presidential Adviser on the Peace Process Sonny Razon, ganito rin umano ang hinaing ng mga maliliit na Manilenyo sa kanyang pag-iikot sa lungsod. Kaya naman nag­pa­hayag ito ng pangamba na kapag nagpatuloy umano ang ganitong uri ng pamamalakad sa Maynila ay patuloy na mapag-iiwa­nan sa pag-unlad at magi­ging lugmok sa kahirapan ang lungsod kung ikukum­para sa iba pang lungsod sa Metro Manila na hindi maawat sa pag-unlad.

LUMBAO

LUNGSOD

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYORALTY

MASANG PILIPINO

MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL CHAIRMAN RONALD LUMBAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with