MANILA, Philippines - Pinuna ng mga residente sa Parañaque ang ilang pulitiko dito sa hindi pagsunod sa patakaran ng Comelec hinggil sa tamang sukat ng mga posters o tarpulin.
Isa na rito ang “oversized” na tarpaulin ni incumbent Mayor Florencio “Jun” Bernabe Jr. sa lungsod na ayon sa kanila ay kahit saan ka lumingon ay makikitang nakalagay sa ilang mataas na mga gusali na isa umanong malinaw na paglabag sa simpleng pamantayan ng Comelec sa tamang sukat nito.
Ayon sa mga residente, kung ngayon pa lamang ay hindi na marunong sumunod sa simpleng batas ang alkalde, papaano pa kaya sa mismong eleksyon.
Naniniwala ang grupo na kung talagang may mga nagawang mga proyekto si Bernabe at guminhawa ang Parañaquenos dito ay hindi na kailangan pang magsabit ito ng mga naglalakihang mga tarpaulin para lamang mapansin ito at muling iboto.