^

Metro

2 dayuhan drug dealer hawak ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang dayuhan na sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magka­hiwalay na operasyon.

Kinilala ang mga suspect na sina Franklin Onu­kogu, Nigerian national, at Lim Ting Chong, isang Malaysian.

Ang pagdakip sa mga suspect ay bilang aksyon ng ahensiya para mapuksa ang laganap na miyembro ng international drug syndicates na nag-ooperate sa bansa kung saan kabilang ang mga ito.

Unang nadakip ng PDEA Special Enforcement Service (SES) sa BF Resort Village sa Las Piñas City si Onukogu matapos na magbenta ito ng apat na sachets   ng cocaine sa isang buy bust operation.

Si Onukagu ay miyem­bro ng West African Drug syndicate na pinaniniwala­ang responsable sa pagre-recruit ng Pinoy para maging drug couriers.

Kabilang din si Onukogu sa African Iboe Tribe na umano’y pinakamalaki at maimpluwensyang ethnic groups sa Nigeria. Siya din ay pinuno ng African Iboe Tribe Organization sa ating bansa.

Samantala, si Chong naman ay naaresto sa may terminal ng Ninoy Aquino International Air­port nitong April 14, 2010 matapos na makuha­nan ang bagahe nito galing sa  Kuala Lumpur Malaysia ng 14 na kilo ng shabu.

AFRICAN IBOE TRIBE

AFRICAN IBOE TRIBE ORGANIZATION

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FRANKLIN ONU

KUALA LUMPUR MALAYSIA

LAS PI

LIM TING CHONG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIR

ONUKOGU

RESORT VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with