^

Metro

Ginang nagbigti: Mister naglason

-

MANILA, Philippines - Isang ginang at isang mister ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng sucide sa Quezon City at sa Maynila.  

Sa QC, nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti si Julie Ragudo, residente ng Rosal St.,  Brgy Payatas A sa lungsod.

Isang suicide note ang iniwan ng ginang ngunit nagla­­laman lamang ito ng paalala sa mga anak na pag­butihin ang pag-aaral at ang tungkol sa hindi nila naba­bayarang electric bills. Walang binanggit sa dahilan nang pagbi­bigti.  Ayon sa pamilya, bago nangyari ang insidente ay napuna nila ang biktima na tila parang depress ilang linggo na ang nakakalipas.

Samantala, nadiskubreng   wala nang buhay at may katabing bote ng asido ang isang 37-anyos na mister sa kaniyang silid matapos ang pakikipagtalo sa kaniyang misis sa pamamagitan ng overseas call, sa Sampaloc, Maynila, sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Eduardo Sarno, nasa Vancouver, Canada ang kaniyang misis at residente ng 1018 Batan St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 kamakalawa ng hapon ng madiskubreng patay ang biktima sa loob  ng kuwarto nito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Huling nakitang buhay si Eduardo noong Sabado at napansin   itong problemado at balisa makaraang maka­usap ang kanyang asawa na nasa Canada .

Pinaniniwalaang may kaugnayan ang pakikipag-usap ng biktima sa misis nito ang dahilan ng pagpapakamatay nito. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)

vuukle comment

AYON

BATAN ST.

BRGY PAYATAS A

EDUARDO SARNO

ISANG

JULIE RAGUDO

LUDY BERMUDO

MAYNILA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with