Mag-utol kinuyog: 1 patay, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na lalaki habang kritikal naman ang kan­yang nakaka­batang ka­patid ma­karaang pagtu­lungang saksakin at bug­bugin ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect, kama­kalawa ng hapon sa Makati City.

Bukod sa mga saksak sa katawan, may tama rin ng bala ng hindi pa ma­batid na kalibre ng baril sa mukha ang na­ sawing si Alberto No­nong, ng Ber­nar­dino St., Brgy. Gua­da­lupe Viejo, nasa kritikal namang kalaga­yan sanhi ng mga palo sa ulo ang nakaba­bata niyang kapatid na si Alfredo, 27, na isinu­god sa Acute Care Center­ Unit sa naturang lung­sod.

Ayon sa ulat, nag-iinu­man ang magkapatid ka­sama ang tatlo pa nilang ka­anak sa loob ng inu­upa­hang bahay dakong alas-5:40 kamakalawa ng hapon nang makarinig sila ng ingay at kagu­luhan na nag­mumula sa basketball court.

Dito lumabas at nag-usyuso ang mag-utol suba­lit bago pa lamang sila dumating sa basketball court ay pinag­babato na sila ng basag na bote at bato ng grupo ng hindi pa nakikila­lang kalala­kihan na sangkot sa nang­yayaring gulo.

Nagpulasan lamang ang grupo ng kalalaki­hang sangkot sa kagulu­han nang magres­ponde na ang pulisya at opis­yal ng ba­rangay.  Dito na na­dis­kubre ang duguang ka­tawan ng magkapatid na Nonong kung saan ma­bilis na isinu­god ang mga ito sa pinaka­malapit na pagamutan.

Show comments