Guro may scholarship

MANILA, Philippines - Bibigyan ng scholarship ni Makati Vice Mayor and mayoral candidate Ernesto Mercado ang mga guro sa pampubli­kong paaralan na nagna­nais na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para mas lalong tumaas ang kalidad ng kanilang pagtuturo.

Ani Mercado, magbi­bigay siya ng financial assistance sa mga guro sa Makati para sa kani­lang post-graduate stu­dies­ sa University of Makati.

Aniya, maraming guro ang lumapit sa kanya makaraang ihayag nito na magbibigay siya ng scholarship sa mga guro sa Makati na nagnanais na paangatin ang antas ng kanilang pinag-aralan.

Show comments