Guro may scholarship
MANILA, Philippines - Bibigyan ng scholarship ni Makati Vice Mayor and mayoral candidate Ernesto Mercado ang mga guro sa pampublikong paaralan na nagnanais na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para mas lalong tumaas ang kalidad ng kanilang pagtuturo.
Ani Mercado, magbibigay siya ng financial assistance sa mga guro sa Makati para sa kanilang post-graduate studies sa University of Makati.
Aniya, maraming guro ang lumapit sa kanya makaraang ihayag nito na magbibigay siya ng scholarship sa mga guro sa Makati na nagnanais na paangatin ang antas ng kanilang pinag-aralan.
- Latest
- Trending