Electric bill sa Abril pinarerebisa
MANILA, Philippines - Iginiit ni Makati Mayor at United Opposition vice-presidential bet Jejomar Binay sa Energy Regulatory Commission na rebisahin nito ang “electric bills” ng Manila Electric Company sa kanilang mga kliyente makaraan ang ngitngit ng mga ito dahil sa labis na paglobo ng singil ngayong buwan ng Abril.
Inayudahan ni Binay ang reklamo ng mga consumer ukol sa pagdoble ng singil sa kuryente kung saan ang mga dating nagbabayad ng P700 ngayon ay pinagba bayad ng P1,400. Kahit saan umano siya pumunta, ito ang reklamong nadidinig niya sa taumbayan lalo na iyong mga “minimum wage earners”.
Naghanda naman umano ang mga consumer ng pagtaas dahil sa panawagan ng Meralco bago mag-Abril. Ngunit sobra umano ang pagtataas ng doble na labis na umapekto sa pang-araw-araw na budget ng isang mahirap na pamilya. Wala rin umano sa “timing” ang pagtataas dahil sa maraming mga magulang ang nag-iipon para sa tuition fee at uniporme ng kanilang mga anak na papasok sa paaralan.
“Bilang pabor naman sa mga mahihirap na consumers, maaari po bang pakirebisa ang komputasyon ngayong Abril upang malinawan kung papaano nakarating ang Meralco sa naturang mga pigura na maging ako ay labis na nagulat,” hiling ni Binay sa ERC.
- Latest
- Trending