^

Metro

Illegal Posters sa MM lilimasin

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magpapatupad nga­yong Lunes ng mala­wakang paglilinis ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority sa ka­lakhang Maynila laban sa mga iligal na mga campaign posters at tarpaulins na ikinabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na dakong alas-8:00 ng umaga mag­sisimula ang may 1,000 nilang tauhan sa pagsuyod sa Metro Manila kasama ang mga tauhan ng Commission on Elections at Philippine National Police.

“Didisiplinahin namin ang mga kandidato sam­pu ng kanilang mga supporters. Dahil kung hindi ay mababalewala ang mga batas at regulas­yon,” ani Nacianceno.

Bukod sa pagpapa­tupad ng common poster area regulation ng Omnibus Election Code, ang paglilinis sa Metro Manila ay bahagi rin ng prog­rama ng MMDA para makiisa sa selebrasyon ng Earth Day.

BUKOD

DAHIL

EARTH DAY

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OMNIBUS ELECTION CODE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with