2 bebot nanuhol ng pulis, kalaboso

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng corruption of public official sa Manila Prose­cutor’s Office ang dalawang babae na nagtangkang manu­hol sa mga tauhan ng Manila Police District kapalit ng pabor na iuurong ang pagsasampa ng mga kasong may kaugna­yan sa iligal na droga laban sa kanilang naarestong ka­anak.

Sa ulat ni Supt. Ramon Pra­nada, hepe ng MPD-Station 4, inaresto na rin nila at kinasuhan sina Mary Ann Engraciala, 42, ng Geronimo St., Sampaloc, Maynila at Mary Lord Dulay, 32, ng Mar­cos St., Malinta, Valenzuela.

Sinabi ni Pranada na ti­nangkang suhulan ng mga suspek ng P10,000 ang kan­yang mga tauhan noong Abril 6 para mapalaya ang isang Normilyn Dulay na nakulong dahil sa kasong drug pushing.

Tinanggap ng mga pulis ang nasabing halaga subalit hindi pinakawalan si Normilyn at sa halip ay inaresto din sila gamit ang ibinigay na P10,000 bilang ebidensiya.

Show comments