^

Metro

Duktor nanapak ng bantay ng pasyente

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang duktor ng Philippine General Hospital ang nanapak at nanipa umano sa bantay ng isang pas­yente sa loob ng emergency room ng PGH sa Ermita, Maynila nitong Miyerkules, base sa rekla­mong inireport kahapon.

Sa idinulog na reklamo kay C/Insp. Marcelo Re­yes, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section, sinabi ng biktimang si Edwin Godoy, 35 ng Block 28, Lot 4 South Square Subd., Pasong Kawayan 2 Gen. Trias, Cavite na sinapak siya sa panga at tinad­yakan ni Dr. Carlo Santella.

Naganap umano ang insidente dakong alas-3 ng hapon. Ipinasok niya da­kong alas-7 ng umaga sa nasabing ospital ang kan­yang ina na si Bebita Gutierrez na may sakit na diabetes.

Habang nakahiga ang kanyang ina sa stretcher ng ER na may nakakabit na dextrose upang i-admit nang dumating si Santella at sinabihan siya na “Alisin mo ang nanay mo rito, ilipat siya” at ibinaba umano ang nakakabit na dextrose.

Dahil nakita umano ng nakatalagang nurse na nakababa ang dextrose sa tabi ng kanyang ina, sinita siya kaya nangatwiran na hindi siya ang may gawa kundi si Santella.

Ikinagalit umano ni Santella ang pagturo sa kanya ni Godoy kaya sina­bi­han siya na “Ano pa problema mo, lumabas ka nga rito?” Nagtalo sina Godoy at Santella.

Habang inilalabas uma­no siya ng pulis na naka­talaga sa PGH, hinabol pa siya ng tadyak at sinapak sa panga ng duktor.

Dahil busy pa, kahapon lamang nagawang magrek­lamo ng biktima sa pulisya.

BEBITA GUTIERREZ

DAHIL

DR. CARLO SANTELLA

EDWIN GODOY

GODOY

HABANG

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

SANTELLA

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with