^

Metro

Maguindanao massacre: 2 Ampatuan absuwelto

- Nina Ludy Bermudo at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Iniligtas ng Department of Justice sa kasong multiple murder kaugnay sa Maguindanao massacre sina suspendidong si Auto­nomous Region in Muslim Mindanao Governor Zaldy Ampatuan at Mama­sapano Mayor Datu Ak­mad Ampatuan.

Ito’y dahil sa naging ka­utusan ni Acting Justice Secretary Alberto Agra sa prosekyusyon matapos katigan ang inihaing petition for review ng dala­wang respondents-petitioners dahil sa kakula­ngan umano ng sapat na ebidensiya.

Nilinaw ni Agra na ang pagbasura sa kaso ng da­lawa ay bunsod ng walang nakitang sapat na base­han sa akusasyong naki­pag­sab­watan sila sa pag-ambush sa convoy ng may­bahay ni Buluan Mayor Esmael Manguda­datu na ikasawi ng may 57 katao noong Nobyembre 23, 2009.

 Pinagbatayan din ang sertipikasyon ni Zaldy mula sa Philippine Airlines na noong Nobyembre 22, 2008 ay nasa Davao ito dahil sa pagdalo sa Kan­duli meeting ng regional governors. Ang petsang nabang­git ay ang prepa­rasyon umano sa pag-ambush sa convoy ng mga Manguda­datu.

Sa kaso ni Akmad, pinaburan din ang kan­yang petition for review dahil sa kawalan ng testigo at ma­ging ang National Bureau of Investigation o Philippine National Police ay hindi siya pinangalanan na sangkot sa kaso.

Gayunman, hindi na­man nagtagumpay na makaligtas sa nasabing kaso sina dating Maguin­danao Governor Andal Ampatuan Sr., Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at Shariff Aguak Mayor Datu Anwar Ampatuan.

Samantala, halos li­mang buwan matapos ang karumaldumal na Maguin­danao massacre, magka­ka­sama na ngayon ang anim sa maimplu­wen­syang miyembro ng ang­kan ng mga Ampatuan at 47 pang suspek na pulis sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Bandang alas-10 ng gabi nitong Biyernes nang lumapag sa Villamor Air Base sa Pasay City ang sinasakyang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force na naghatid sa mag-aamang sina dating Ma­guindanao Governor Andal Ampatuan Sr., Zaldy “Puti” Ampatuan, dating Acting Maguindanao Gov. Sajid Ampatuan, Shariff Aguak Mayor Anwar Am­patuan at dating Ampatuan Vice Mayor Akmad Am­patuan.

Si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. ay unang inihatid dito mula sa detention cell nito sa National Bureau of Investigation.

Una rito, inutos ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang paglilipat sa Bicutan jail ng lahat ng mga akusado sa masaker.

Sa ulat ng tanggapan ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa, tulad ng karaniwang bilanggo, nakaposas ang mga Am­patuan nang dalhin ang mga ito sa kanilang ba­gong kulungan bago sila nagkita-kita ni Andal Jr.

ACTING JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRA

ACTING MAGUINDANAO GOV

AMPATUAN

AMPATUAN VICE MAYOR AKMAD AM

ANDAL JR.

BICUTAN

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with