16,000 pulis, 6 batalyong sundalo ikakalat sa Metro Manila
MANILA, Philippines - Aabot sa 16,000 pulis at anim na batalyong sundalo ang idedeploy upang magbigay seguridad sa mga precints at polling centers sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 10.
Ito ang nabatid kahapon kina NCRPO chief Director Roberto Rosales at AFP-National Capital Region Command Chief Rear Admiral Feliciano Angue matapos ilunsad ang Motorized Patrol 24/7 HOPE.
Ayon kay Rosales , magpapakalat sila ng inisyal na 12,000 pulis katuwang ang mga sundalong riders ng AFP-NCRCOM para mabigyang proteksyon ang gaganaping lokal at pambansang halalan.
Sa panig naman ni Angue , sinabi nitong anim na batalyon o 3,000 sundalo ang tutulong sa puwersa ng pulisya para mapangalagaan ang HOPE (Honest, Orderly and Peaceful Elections ).
Nabatid sa opisyal na bawat isa sa 50 checkpoint sa Metro Manila ay may 1 Squad ng mga sun dalo o kabuuang 12 personnel habang 24 sundalo naman ang magsasagawa ng Motorized Patrol 24/7 na dahilan tatlong shifts ay bubuuin ng 72 sundalo.
- Latest
- Trending