Si Erap ang tunay na oposisyon - Tiangco
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na dapat lamang itigil nina Senator Noynoy Aquino at Manny Villar na sila ay mga oposisyon sa pamahalaan ni Pangulong Arroyo. Si Tiangco, na siya ring Vice President sa NCR ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), ay nagsabing ang tunay na genuine opposition ay si Pangulong Joseph Estrada.
Marapat din umano na tigilan na ng dalawang senador ang pag-aakusa sa isa’t isa na umano’y mga secret candidate ni GMA, dahil ang katunayan ay kapwa sila may link sa kasalukuyang administrasyon. Idinagdag pa nito, na ng tunay at nag-iisang genuine opposition umano ay si Pres. Erap. Ang Pwersa ng Masang Pilipino ay ang “consistent anti-GMA force. “Both camps should also stop fooling the people by saying that if they are elected life will become better. The fact is that they were both part of the group who installed GMA, but now they are saying that GMA is the reason for the poverty of the people, then in reality they are part of the suffering of the people,” pahayag ni Tiangco.
- Latest
- Trending