Special child patay sa sunog
MANILA, Philippines - Nasawi dahil sa suffocation ang isang special child habang sugatan naman ang lola nito, sa naganap na sunog sa isang three-storey apartment, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga. Nakilala ang nasawi na si Franchesca Galvez, matapos ma-suffocate sa nasusunog na apartment. Siya ay natagpuang walang malay sa banyo ng kanilang tirahan. Ginagamot naman sa Ospital ng Sampaloc ang 81-anyos na si Priscilla Falvez, na nagtamo ng minor burns sa likod. Nagsimula umano ang sunog dakong alas-10:13 ng umaga at umabot lamang sa ikatlong alarma sa ika-3 palapag ng apartment na matatagpuan sa 1032 Paquita St., Sampaloc, Manila.
- Latest
- Trending