MANILA, Philippines - Ang lungsod ng Pasay ang siyang host city ng darating na Aliwan Fiesta, na gaganapin sa ika-22 hanggang ika-24 ng Abril. Ang taunang proyekto ng Manila Broadcasting Company (MBC) at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ay pinagsasama-sama ng mga streetdancers, float-makers at festival muses mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa isang engrandeng kampeonato. Ayon sa pangulo ng MBC na si Ruperto Nicdao Jr., may bagong ruta para sa grand parade, na magsisimula sa likod ng SM Mall of Asia papuntang Aliw Theater sa CCP Complex. Nasa ika-walong taon na ang Aliwan Fiesta na suportado ng Smart Communications, Unilab, My Juiz, Alaska, Coca Cola, 555, Wings Detergent, Bayview Plaza Hotel, McDonald’s, M. Lhuillier at The Atrium Hotel. Para sa karagdagang detalye, tingnan sa internet ang http://www.aliwanfiesta.com.ph