^

Metro

Mga magsasaka nagrali sa harap ng bahay ni Noynoy

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Muntik ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga magsasaka mula sa Hacienda Luisita at tauhan ng QCPD nang magkagirian ang mga ito nang sumugod ang grupo ng una sa tahanan ni Liberal Party (LP) presi­dential candidate Benigno “Noynoy”Aquino lll para magprotesta kahapon ng tanghali sa lungsod.

Ang kilos protesta ay nabuo makaraang malusutan ng mga magsasaka kasama ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP) ang mga tauhan ng QCPD at makapasok ang mga ito sa Times Street, Quezon City dakong alas-12 ng tanghali at nagsagawa ng kilos-protesta sa harapan ng bahay ni Aquino.

 Pinangunahan ni Lito Bais, chairperson of the United Luisita Workers’ Union (ULWU) at Rainier Sindayen, chairperson-elect ng UP Diliman University Student Council ang kilos-protesta kung saan dala ng mga ito ang isang ginawang kabaong na nagsilbing alaala ng pitong biktima ng Hacienda Luisita massacre noong taong 2004. Binatikos din ng grupo ang patuloy na pagbibingi-bingihan umano ni Noynoy at buong angkan nito na ipamahagi ang lupang sakahan sa pinagta­talunang 6,443 ektaryang property sa Tarlac na pag-aari ng pamilya Cojuangco.

 Sinabi ng grupo na ang lupa ay dapat naipamahagi na sa mga farmers-tenants noon pang 1968 base sa kasunduan na ibinigay ng pamahalaan subalit nananatili pa rin umano ito sa kamay ng pamilya Cojuanco .

Magugunitang nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) sa Hacienda Luisita Inc. (HLI) na inihain noong 2006, matapos na magpalabas ang Presidential Agrarian Reform Council’s (PARC) na binabawi ang stock distribution option (SDO) ng nasabing kumpanya.

AQUINO

DILIMAN UNIVERSITY STUDENT COUNCIL

HACIENDA LUISITA

HACIENDA LUISITA INC

LIBERAL PARTY

LITO BAIS

NOYNOY

PRESIDENTIAL AGRARIAN REFORM COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with