^

Metro

Kotse ng Manila-RTC judge binomba

- Doris Franche-Borja, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinasabog ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang sports utility vehicle ng isang huwes ng Ma­nila Regional Trial Court sa tapat ng kanyang bahay ka­hapon ng umaga sa Taytay, Rizal.

Dakong alas-6 ng umaga nang sumam­bu­lat ang itim na Honda CRV na may special plate na 16-NCR 26 sa tapat ng bahay ni Manila RTC branch 26 Judge Silvino Pampilo Jr. sa Terrece Drive sa Pal­mera 3 Subd., Brgy. Do­lo­res ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng Taytay police, may lima hanggang 6 na bomba ang ikinabit sa sasakyan at gumamit ng cellular phone bilang “triggering device”. 

Bago ito lima hang­gang anim na lalaki ang nakitang kahina-hina­lang umaaligid sa tapat ng bahay ng huwes kama­kalawa ng gabi.

Hindi naman agad ma­tukoy ni Pampilo kung sino ang nasa likod ng pag­salakay sa kanya. Mas­yado umanong ma­raming “death threats” na siyang natatanggap sa mga ka­song hinawakan. 

Kabilang dito ang pag-absuwelto niya kay re­tired Gen. Jovito Palpa­ran sa “extra-judicial kill­ings” noong 2008, kaso ng “Sulplicio Lines na 800 katao ang nasawi, petis­yon ng Social Justice Society na humihiling sa pagbukas sa libro ng mga dambu­ha­lang kompanya ng langis, mga kaso ni First Gentle­man Mike Arroyo at ang pinakahuli ay ang pagdek­lara na “unconstitutional” ang paglikha sa Presi­dential Anti-Smuggling Group (PASG).

Naniniwala rin ang judge na may kaugna­yan din ang pagpapasa­bog sa kanyang sasak­yan sa pam­bobomba rin sa sa­sakyan ni Agapito Men­doza sa Marikina City. Si Mendoza ang pa­ngulo ng isang trucking associa­tion na nangu­ngu­nang buma­bangga sa PASG.

Ang ‘dissolve order’ umano sa PASG ang na­ki­kitang dahilan ni Judge   Pampilo kaya pina­sa­bog ang kanyang sasakyan.

Magugunitang sa kan­yang ruling sinabi ni Pam­pilo na ang trabaho ng PASG ay duplicate na ng trabaho ng Bureau of Custom (BOC).

AGAPITO MEN

ANTI-SMUGGLING GROUP

BUREAU OF CUSTOM

FIRST GENTLE

JOVITO PALPA

JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

MARIKINA CITY

MIKE ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with