Pamilya ng pinatay na doktor, umapela

MANILA, Philippines - Nanawagan sa pulisya ang pamilya ng isang doktor na brutal na pinatay noong nakaraang linggo ng taong kasalukuyan sa Caloocan City na mabig­yan ng malalim na imbes­tigasyon para agad na makamit nila ang hustisya.

Sa panayam kahapon kay Kenneth, anak nang pinatay na si Dr. Yasmin J. Navarro , 55, ng Block 9, Lot 1, Phase III-D, Kaun­laran Village, malaki ang hinala nila na may kinala­man sa lupa at ang disbarment case na isinampa ng kanyang ina laban sa tatlong abogado ang da­hilan nang pagpatay dito.

Ayon sa rekord, taong 2002 ay nagsampa ng kasong civil at criminal, 5 counts falsification of public documents ang bikti­mang si Dr. Navarro laban sa isang mag-ina na may kaugnayan sa awayan sa lupa sa A. Mabini St., ng nabanggit na siyudad kung saan ang nasabing kaso ay na-dismis sa Caloocan City Regional Trial Court, ngunit umapila ang biktima sa Court of Appeal at sa naging desisyon nito ay ibinalik ang kaso sa ma­babang hukuman.

Gayundin, nagsampa rin ang naturang biktima ng kasong disbarment sa Supreme Court noong 2006 laban naman sa 3 abo­gado at ang kaso ay na­kabinbin pa sa hukuman.

Hindi akalain ng pa­milya Navarro na sasapitin ng kanilang ina ng tahanan ang brutal na kamatayan mata­pos itong malapitang pag­babarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek, na pawang pina­nini­walaang mga hired killer noong Abril 6, ng ta­ong kasalukuyan sa kaha­baan ng Tawilis st., ng naturang siyudad.

Ayon kay Kenneth na­ngangamba sila sa kani­lang seguridad, dahil ha­bang nakaburol ang kani­lang ina sa Floresco Funeral Parlor ay may ilang kahina-hinalang mga lalaki ang umiikot sa na­banggit na bisinidad. Humingi sila ng tulong sa lokal na pu­lisya, subalit hindi pinaking­­gan ang ka­nilang hinaing, at sinabi­han pa sila na pa-paranoid lamang sila dahil sa insi­dente kung kaya media na ang kani­lang ni­lapitan.

Show comments