^

Metro

Direct connectivity ng Stradcom sa PETC, pinabubusisi ni Suansing

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Paiimbestigahan ni LTO Chief Alberto Suan­sing  ang ginawang direct connectivity ng IT pro­vider ng ahensiya na Stradcom Corporation sa mga Pri­ vate Emission Test Center (PETC) sa pag-upload ng doku­mento ng mga na­ipasu­ring sasakyan na irere­his­­tro rito.

Ayon kay Suansing,  nais niyang malaman kung talagang nakaka­tulong  sa ahensiya ang hakbang na ito o nagpa­palala lamang sa kundis­yon ng polusyon sa hangin.

Una nang napaulat na dumami na naman ang bilang ng mga mauusok na sasakyan dahilan sa direct connectivity ng Strad­com at PETC at hindi na nito (PETC-IT) na­bubusisi ang re­kord ng mga sasakyan na du­maan sa emission test.

Sinasabing dahil sa sistemang ito na pina­tupad ni dating LTO Chief Arturo Lomibao, umaabot ng hanggang alas-7 ng gabi ang transaksyon sa direktang pagkonekta ng ilang PETC sa Stradcom gayung dapat ay hang­gang alas-4 ng hapon lamang ito alinsunod sa regular na transaksiyon sa LTO.

Ang usok ng mga sa­sakyan ang number 1 pollutant sa bansa parti­kular sa Metro Manila na isa sa dahilan sa pag­dumi ng kapaligiran at climate change.

AYON

CHIEF ALBERTO SUAN

CHIEF ARTURO LOMIBAO

EMISSION TEST CENTER

METRO MANILA

PAIIMBESTIGAHAN

PRI

SHY

SINASABING

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with