MANILA, Philippines - Hindi dapat isapalaran ang matatag na ekono miya ng Lungsod Quezon sa darating na halalan sa Mayo 10, 2010.
Ito ang ipinunto ni Liberal Party mayoralty bet at pambato ng Serbisyong Bayan (SB) Team na si QC Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kaugnay sa isyu ng pamumudmod umano ng salapi ng ilang kandidato sa mga botante kapalit ng kanilang sagradong boto.
Batid na ng lahat ‘di lamang sa buong bansa ang kakaibang estilo ng SB Team kaya naging matatag ang ekonomiya ng lungsod.
Sa ilalim ng pamamahala ng SB Team, ilang beses itong nakatanggap ng pagkilala mula sa iba’t-ibang sektor kabilang na ang ‘Galing Pook Award on Effective Fiscal Management’ mula sa respetadong FORD Foundation. Ang alok aniya na salapi ng mga huwad na makabayan na kandidato kapalit ng boto ay panandalian lamang ang epekto sa kabuhayan subalit ang tangan ng SB Team ay tuluy-tuloy na kaunlaran.
Ipinagkatiwala ni outgoing QC Mayor Sonny Belmonte kay Bautista na pamunuan ang SB Team na responsable sa pagpapataas ng antas ng kabuhayan sa lungsod mula taong 2002 hanggang 2009.