^

Metro

GSIS exec nabiktima ng Dugo-Dugo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang marketing officer ng Goverment Service Insurance System ang natangayan ng aabot sa P5 milyong halaga ng mga alahas ng kilabot na grupong “Dugo-dugo” gang matapos na maloko ng mga suspek ang katulong ng biktima ng kanilang modus operandi sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ito ang nabatid maka­raang dumulog sa tang­gapan ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police sa Camp Karingal ang bikti­ mang si Alicia Rivadero, 56, dalaga, ng 79, Road 2, Project 6, sa lungsod upang magrek­lamo.

Sa reklamo ng biktima ay ipinaaresto din nito ang katulong na si Luz Corona-Loyaca, 31, may-asawa, at stay-in sa kan­yang tahanan.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Joy Marcelo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente nang isang lalake ang umano’y tuma­wag sa tahanan ng bik­tima at makausap ni Loyaca nitong Sabado ng umaga.

Bago nito, ayon sa bik­­­tima, Biyernes ng umaga ay umalis sila ng kanyang pamilya patu­ngong Zambales para sa dalawang araw na outing.

Sa panayam kay Lo­yaca, nakausap umano niya sa telepono ang isang babae at nagsa­bing kaibigan siya ng kanyang amo at nanga­ngailangan ito ng pera dahil nasangkot sa vehicular accident.

Sa pag-aakalang to­too, wala umano siyang nagawa kung hind sundin ang utos ng babae na kunin ang gamit ng amo sa drawer at, dahil walang susi, sinabihan siya ng huli na sirain na ito hang­gang sa makuha niya ang mga alahas at dalhin sa Muñoz na sinabi nitong sila’y magkikita.

Pagsapit sa lugar ay inabot na lang niya ang alahas na nakalagay sa bag sa isang lalakeng nag­­pakilalang Jerry Reyes na lumapit sa kanya saka umalis ito at sumakay ng bus.

Pero bago umalis, sinabihan pa umano siya ng lalake na maghintay sa isang restawran ngunit tumagal nang ilang oras na hindi na bumalik ang la­ laki kaya nagpasya siyang sumakay sa taxi papauwi.

Nalaman na lang umano niyang nabiktima siya ng Dugo-dugo gang nang ikuwento niya ang pangyayari sa taxi driver.

vuukle comment

ALICIA RIVADERO

CAMP KARINGAL

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DUGO

GOVERMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

JERRY REYES

JOY MARCELO

LUZ CORONA-LOYACA

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with