^

Metro

Black prop vs Bistek wa epek

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga black propaganda, tiwala si Libe­ral Party mayoralty candidate at Quezon City Vice Mayor Herbert Baustista na mananalo siya sa elek­siyon.

Nangunguna si Bau­tista sa survey ng Social Weather Station no­ong nakaraang buwan na, rito, may 73 porsi­yento ang kanyang na­kuha laban sa kanyang kala­ban na si Mike Defensor na may 11 por­siyento.

Ayon kay Bautista, posible ding matalo si third district Rep. Matias Defensor na may 30 porsiyento dahil na­na­natili ding nangunguna ang kalaban nitong si Councilor Bolet Banal na may 35 percent rating.

Sinabi ni Bautista na nagpa-panic na rin ngayon ang kampo ni Defensor kaya kung anu-anong mga black propaganda ang ginagawa nito laban sa kanya kabilang na ang pagsasampa ng graft at estafa charges tulad ng gi­nawa nito sa whistleblower Jun Lozada.

Gayundin, maging si LP vice mayoral candidate Joy Belmonte ay may kumpiyansa dahil may 58 percent ito kumpara sa kalaban nitong sina councilors Aiko Melendez at Janet Malaya na may 17 at 15 percent ayon sa pagkakasunod.

AIKO MELENDEZ

BAUTISTA

COUNCILOR BOLET BANAL

JANET MALAYA

JOY BELMONTE

JUN LOZADA

MATIAS DEFENSOR

MIKE DEFENSOR

QUEZON CITY VICE MAYOR HERBERT BAUSTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with