^

Metro

Makataong pagpapalayas sa illegal vendors isasagawa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos pansa­man­talang ipasus­pinde, balik na sa panghuhuli ng mga iligal na vendors ang Metropolitan Manila Development Authority dahil sa mga matitigas na ulo pa ring mga tindero ngunit gagawin na umano nila ngayong makatao.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na inatasan na ni Chairman Oscar Inocentes ang kanilang Sidewalk Clearing Ope­rations Group na iwasan na ang pagwasak sa mga paninda at paggiba sa mga puwesto ng mga vendors upang hindi hu­mantong sa anumang karahasan ang operas­yon laban sa mga ito.

Nais iwasan ni Ino­centes ang mga kara­hasan tulad ng riot at pamamaril ng mga vendors sa mga sidewalk clearing operations.

Patuloy namang ma­ ngungumpiska ng mga iligal na paninda ang MMDA kahit na hindi wawasakin ang mga ito kung saan ibibigay na do­nasyon ang mga ma­pa­pakinabangang pag­kain sa mga bahay-am­punan at iba pang insti­tus­yon na kumaka­linga sa mga matatanda, walang tirahan at mga may kapansanan.

Tiniyak naman ni Na­cianceno na lahat ng mga makukumpiska nilang paninda ay reresibuhan upang matiyak na hindi mapupunta sa mga em­pleyado ng ahensiya na nagte-“takehome” ng mga nakumpiskang pa­ninda.

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

GENERAL MANAGER ROBERT NACIANCENO

INO

MATAPOS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PATULOY

SHY

SIDEWALK CLEARING OPE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with