MANILA, Philippines - Hero’s welcome ang ibinigay ng libu-libong residente sa ikalimang distrito sa Maynila matapos mag-house- to-house campaign si reelectionist Mayor Alfredo S. Lim. Malayo pa lamang si Lim ay naglalabasan na ng tahanan ang mga residente na karamihan ay may mga baong camera o cellphone o di kaya ay nais lamang makamayan ang alkalde at pasalamatan. Sa Leveriza, ilang grupo ng kababaihan ang umano ay malaki ang pasasalamat kay Mayor Lim dahil sa ginawa nitong pagpapababa ng bayad sa mga dokumento na kinukuha mula sa City Hall kagaya ng birth certificate, na umano ay may 400 porsyento ang ibinaba ang presyo sa pag-upo ni Lim bilang alkalde. “Wala kayong katalu-talo dito sa amin. Biro mo, ’yung dating P120 na birth certificate, ginawa n’yong P30 na lang,” ani Barriento kay Lim, na kanilang sinalubong ng masigabong palakpakan sa pagbisita nito sa kanilang lugar. Bukod sa Leveriza, inikot din kahapon ni Lim ang ilan pang mataong lugar sa ika-5 distrito.