MANILA, Philippines - “Ganun pala pag walang pera ang isang tao, parang basahan na di pinapansin at tinatapon lang. Sorry na nagawa ko eto, mahirap na ako. Di ko na kaya pa. Mahirap at hirap na ako na lumaban sa buhay. Eto lang tingin kong solusyon sa mga isipin at problema ko.”
Ito ang nilalalaman ng suicide note na natagpuan ng mga awtoridad sa tabi ng bangkay ng call center agent na sinasabing bading, na nakabitin sa hagdanan ng kaniyang apartment, sa Sta. Mesa, Maynila, nitong Biyernes ng tanghali.
Kinilala ang nasawi na si Ferdinand Navarro, 34, ng Ang Buhay St., V. Mapa, Sta.Mesa, Maynila.
Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima ng kanyang lover na si John Mart, 17 na nakabigti sa puting kawad ng kuryente na itinali sa baitang ng hagdanan dakong alas-11 ng tanghali.
Ayon umano kay John Mart, madalas na pawang wala sa sarili at malalim ang iniisip ni Navarro lalo na nang umuwi umano sila mula sa dinaluhang party sa San Juan City noong Huwebes ng gabi.
Sinasabing dahil sa pagka-terminate sa trabaho bilang call center agent ang dahilan kaya namroblema ang biktima at wala na umanong mapagkunan ng pera sa kabila ng malaking gastusin sa araw-araw at wala na rin malapitang kaibigan kaya ginawang solusyon ang pagpapakamatay.