^

Metro

Lumang tugtugin na 'yan - Bistek

-

MANILA, Philippines - “Gimik lang ’yan at ’di ’yan bago,” ‘yan ang reaksyon ni Que­zon City Vice-Mayor Her­bert ‘Bistek’ Bautista sa rekla­mong plunder na inihain laban sa kanya ng isang nagnga­ngalang Nick Salameda sa opisina ng Ombudsman.

“Gusto lang nilang buhayin ang isang lumang isyu,” paliwa­nag ni Bautista. “Ito na ang naging strategy ng dirty tricks department ng administrasyong GMA. At medyo natutuwa nga ako’t dinala na nila ito sa tamang forum.”

Sinabi ng kandidato ng Liberal Party (LP) sa pagka-mayor ng Quezon City na hindi sapat ang reklamo para madis­karil siya sa kanyang kam­panya. Pinagkibit-balikat na lang niya ang hindi matapus-tapos na akusasyon at sinabing nakikini-kinita na ng kanyang mga abogado ang pinakahuling hakbang na ito ng kanyang mga katunggali sa pulitika.

“Wala akong dapat itago so hihintayin ko na lang ang re­so­lution,” ani Bautista. “Nakaka­lungkot na habang ang kam­panya natin ay nakasentro sa mga programa para sa ka­unlaran, minarapat ng ating mga katunggali na mag-focus sa basura ng Quezon City politics.”

Dinagdag pa ni Bautista na hindi niya ikinagulat ang pag­sampa ng harassment case laban sa kanya dahil ginamit ng administrasyon ang ganitong taktika laban kina Senador Noynoy Aquino, Mar Roxas at ibang kandidato ng Liberal Party.

“Lahat ng black pro­paganda laban sa kandidato ng Liberal Party, maging kina Senador Aquino at Roxas ay walang saysay. Sila pa rin ang nangu­nguna at lumalaki ang lamang nila sa kanilang mga katunggali linggu-linggo.

BAUTISTA

BISTEK

CITY VICE-MAYOR HER

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

NICK SALAMEDA

QUEZON CITY

SENADOR AQUINO

SENADOR NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with