Kotse nagliyab, 1 sugatan

MANILA, Philippines - Isang empleyado ng Smart Communication Co. ang suga­tan makaraang magliyab ang si­nasakyan nitong kotse habang tinatahak ang Scout de Guia sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Nakilala ang nasugatan na si Bobby Baruga, nakatalaga sa adverstising company ng Smart. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Scout de Guia, Brgy. Laging handa pa­sado alas-5 ng hapon habang mi­na­maneho ang kanyang da­lang sasakyan German smart car (VNZ-777) nang biglang nag­­liyab hanggang sa tuluyang lamunin ang kabuuan nito.

Sa biglaang pagliyab ay tinamaan sa mukha si Baruga, bago pa tuluyang makalabas ito sa nasusunog na sasakyan.

Maari umanong sa electrical wiring nagsimula ang sunog dahil base sa impormasyon ay kapapa-ayos lamang ng biktima sa wiring nito nang kanya itong i-test-run. 

Show comments