Marlene Aguilar sinimulan ang pagma-martsa

MANILA, Philippines - Tulad ng kanyang banta na araw-araw na magsasagawa ng kilos protesta, matapos ilipat mula sa ospital patungong Quezon City jail ang anak na si Jason Ivler sinimulan na ka­ha­pon ni Marlene Aguilar ang pag­ma­martsa mula sa kanyang taha­nan sa Blue Ridge Sub­division hanggang QC Hall of Justice upang hilingin ang aga­rang pagpapalabas sa kan­yang anak mula sa nasabing piitan.

Pinangunahan ni Aguilar ang may 10 hanggang 15 ka­anak at suporters ng kanyang pamilya sa pagsasagawa ng march rally kaakibat ang mga plakard na nagsasaad ng “DOJ respect Jason Ivler’s human rights” sa paligid ng QC RTC.

Subalit dahil kahapon ay ho­li­day, wala si Judge Alexander Balut, ang RTC branch 76 na nagpalabas ng kautusan para sa paglilipat kay Ivler mula Qui­rino Memorial Medical Center patungong piitan.

Martes nang pormal na ilipat sa QC jail si Ivler matapos ang halos 3 buwan na pagpapa­galing sa QMMC dahil sa tina­mong tama ng bala sa kanyang katawan bunga ng pakikipag-ingkwentro sa mga umaares­tong tropa ng National Bureau of Investigation (NBI). 

Show comments