Dahil lang sa ulam, NBI agent nagbigti
MANILA, Philippines - Isang confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos na magdamdam nang hindi umano kainin ng kinakasama ang niluto niyang ulam na hipon sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Si Michael Catacle, 32, ng Kalantiaw St., Proj. 4, ay natuklasan na lamang ng kanyang kinakasamang nakabitin sa door knob ng pintuan ng kanilang kuwarto pasado alas-9 ng umaga.
Simpleng tampuhan din lang sa kanyang kinakasama na nag-ugat sa matinding pagdaramdam ng biktima kung kaya nagpakamatay ito.
“Hindi raw kasi, kinain ng live-in ng biktima ang niluto nitong ulam na hipon kaya nagtampo tapos ’yun na,” sabi pa ni Elenzano.
Lumilitaw sa imbestigasyon na natuklasan ang pagpapakamatay ng biktima habang nag-aasikaso sa pagpasok sa kanyang opisina si Joann Muñoz, kinakasama ng biktima.
Sa ngayon ay patuloy na sinisiyasat ng pulisya upang mabatid kung may foul play sa naturang insidente.
- Latest
- Trending