Illegal recruiter na Pakistani timbog ng Immigration
MANILA, Philippines - Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani national dahil sa patung-patong na kasong illegal recruitment sa Palawan.
Si Ehmad Agha, alyas Salim Jan Ifthika, ay naaresto ng Immigration Area Office (IAO) Region 5 at kaagad ikinulong sa BI detention center sa Bicutan kasama ang asawa nitong Pinay na si Emy Encinas.
Sa ulat na nakarating kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, si Ifthika ay inireklamo ng 11 Pinoy sa Palawan na biktima nilang mag-asawa dahil sa illegal recruitment.
Hindi naman makapagprisinta ng pasaporte o anumang travel document ang Pakistani ng maaresto ito kaya’t itinuturing na rin itong isang illegal alien.
Base sa reklamo ng 11 biktima ng mag-asawa, hinikayat umano sila ng mga ito ng magbigay ng P20,000 upang matanggap ang mga ito bilang Overseas Fili pino workers, gayunman hanggang sa ngayon ay hindi pa sila napapaalis ng dayuhan.
Nahaharap naman sa deportation proceedings si Ifthika dahil sa pagiging undesirable at undocumented alien.
- Latest
- Trending