Janitor nagbigti dahil sa kahirapan

MANILA, Philippines - Dala umano ng kahira­pan at kawalan ng perang panustos sa mga magu­lang na maysakit, minara­pat ng isang janitor sa De­partment of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang kanyang bu­hay sa pamamagitan ng pag­bibigti kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima ay kinila­lang si Elvis Atiga, 39, em­pleyado sa Bureau of Re­search and Standard ng DPWH at residente ng Dama de Noche St., Brgy. Central, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, si Atiga ay natagpuang nakabitin ng kanyang mga kasamahan sa likuran ng canteen ng nasabing kagawaran na matatagpuan sa EDSA, Brgy. Pinyahan pasado alas-6 ng umaga.

Sa pagsisiyasat, huling nakitang buhay ang bik­tima nitong Lunes ganap na alas-4 ng hapon ha­bang naglilinis ng isang sasakyan ng ahensya.

Bago ang pagpapaka­matay ng biktima ay na­ibulalas umano ng nasawi ang proble­mang dinadala niya sa kanyang mga may­sakit na magulang na nasa Panga­sinan.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente upang mabatid kung may foul play na na­ganap dito.(Ricky Tulipat) 

Show comments