Antas ng pamumuhay ng Manilenyo dapat maiangat
MANILA, Philippines – Nangunguna sa listahan ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Jose “Lito” Atienza Jr. ang pagkakaloob ng hanapbuhay, negosyo at iba pang oportunidad pangkabuhayan sa kanyang na sasakupan upang iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Manilenyo, partikular ang mga maralita.
“Together, we can improve the quality of life of the people of Manila,” ani Atienza, na idiniin ang halaga ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad.“ Matutulungan natin ang maliliit sa pamamagitan ng pagbibigay ng lisensya sa mga vendors, pedicab at tricycle drivers upang mawala na nang tuluyan ang mga iligal na koleksyon o ‘kotong,’ dagdag ng dating kalihim ng DENR.
Prayoridad din nito ang programang pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkatahimikan, pang- kalikasan, at mga hakbang upang mapainam ang katayuan ng mga senior citizens.
Isusulong din ni Atienza ang pagpapayabong ng sining, kultura at palakasan.
- Latest
- Trending