Ba­rangay chairman todas sa barker

MANILA, Philippines - Patay ang isang ba­rangay chairman makara­ang barilin ng isang barker dahil lamang umano sa hindi pagkakaunawaan sa tong collection sa isang il­legal­ terminal sa Calo­ocan City kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Brgy. Chairman Roger Puson, ng Ba­rangay 89 at nakatira sa Asistio St., ng naturang lungsod sanhi ng tinamong   ilang tama ng bala ng sumpak sa katawan.

Sumuko naman at na­ka­piit na sa   Caloocan City Police ang suspek na  si Garry Bumbay, 30, at ka­lugar ng biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, naga­nap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa isang pilahan ng jeep na matatagpuan sa kahabaan ng Asistio St., ng nabanggit na barangay habang naka­tayo ang suspect nang la­pitan umano at biglang sapakin ng nasawing ba­rangay chairman. Dito umano nagdilim ang pani­ngin ng suspect at kinuha ang nakatagong sumpak saka pinaputok sa biktima.

Nauna rito, kinuha umano ng isang grupo ng mga jeepney driver ang suspect para maging taga-lista sa illegal terminal at ang ipapasuweldo rito ay kukunin sa bahagi ng ibini­bigay ng mga driver kay Puson.

Hindi umano pumayag ang barangay chairman kung kaya siya (suspect) ang pinag-initan nito.

Mariin namang itinanggi ng mga kaanak ng nasawi ang mga akusasyon ng suspect.

Isinantabi na rin ang anggulong may kinala­man ang krimen sa pulitika, ga­yunman tinitingnan naman ang anggulong may dati nang alitan ang dalawa.

Show comments