Bading Binoga ng sekyu

MANILA, Philippines - Isang 35-anyos na sina­sabing bakla ang nasa kri­tikal na kundisyon makara­ang barilin ng isang guwar­diya sa hindi pa mabatid na dahilan kahapon ng mada­ling-araw sa Mabini St, Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Lyndon Margallo, tindero, ng no. 148 Lakas ng Mahirap Street ng naturang lungsod.

Agad namang nadakip ang suspek na si Apollo Lardi­sabal, 34-anyos, mi­yem­bro ng Elite Security Agency at nani­nirahan sa no. 54 Libis Talisay Dulo Brgy. 12, Caloocan.

Naglalakad mag-isa ang biktima nang bigla umanong barilin ni Lardisabal kung saan tinamaan ito ng bala sa balakang. (Danilo Garcia)

Show comments