Ex-congressman Zarraga naka-hospital arrest

MANILA, Philippines - Isinugod sa Manila Doctor’s Hospital ang naarestong si dating Congressman Jaime Zarraga, dahil sa paninikip ng dibdib habang nakapiit sa NBI detention cell, ayon kay Asst. Regional Director (ARD) Roland Argabioso, hepe ng NBI-Field Operations Division.

Unang dinala umano si Zarraga sa Philippine General Hos­ pital (PGH) bago ito inilipat sa MDH, kaya ikinukun­siderang hospital arrest siya at bantay-sarado sa mga tauhan ng NBI-jail. Nabatid na si Zarraga ay nominado sa Hanay ng Aping Pinoy (HAPI) partylist. Siya ay dinakip ng mga ahente ng NBI noong Lunes habang dumadalo sa hearing sa Pasig RTC sa bisa ng mga arrest warrant na inisyu noon pang 1995 at 1996 ng mga korte sa Makati at RTC sa Nueva Ecija sa mga kasong syndicated estafa at large scale illegal recruitment. (Ludy Bermudo)

Show comments