MANILA, Philippines - Tahasang sinabi kahapon kahapon sinabi ni Makati Vice Mayor at mayoral candidate Ernesto Mercado na nakahanda ang lokal na pamahalaan na bayaran ang bilyong utang sa Bureau of Internal Revenue.
Layunin nito, ani Mercado na hindi madiskaril ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko pero mahahain sila ng protesta hinggil dito.
“The simplest temporary solution is to pay the BIR under protest so that Makati will not compromise its legal remedies,” diin ni Mercado matapos na magbabala ang BIR na kukumpiskahin nila ang mga ari-arian ng Makati’s city hall bilang bayad sa hindi nabayarang buwis.
“Ang problema kasi, inuna pa ang pag-asikaso sa mga infomercial kaysa mga pagkakautang ,” partikular na tinukoy ni Mercado ang “Ganito Kami Sa Makati” television at radio commercials na ipinalalabas sa prime time.
Dismayado rin si Mercado sa kabiguan ng mga opisyal ng lungsod na makipagkasundo sa BIR kung paano babayaran ang utang sa buwis, na ayon kay BIR Chief Joel Tan -Torres, “urong-sulong kasi ang posisyon ng Makati officials.”
“Matagal nang ganyan ang pagpapatakbo sa Makati, may perang pambayad sa infomercial pero walang perang pambayad ng utang ” ani Mercado.