Ivler maaari nang lumabas ng ospital
MANILA, Philippines - Maaari nang makalabas ng pagamutan ang road rage suspect na si Jason Ivler.
Sa ginanap na hearing kahapon sa sala ni QC Regional Trial Court (QCRTC) Presiding Judge Alexander Balut, sinabi ni Dr. Romeo R. Abary, ang doctor na tumitingin sa kanya sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) gumagaling na at bumababaw na ang mga sugat ni Ivler kung kayat hindi na kailangan pang manatili ito sa ospital. Si Ivler ay itinuro sa pagpaslang sa anak ni Presidential Chief of Staff Undersecretary Renato Ebarle, Sr.
Aniya, ang sugat ni Ivler ay halos kasing laki na lamang ng 25 sentimos na barya at halos kapantay na ng balat ng akusado kaya bagamat maari pa itong maimpeksyon, hindi na ito magiging banta sa kanyang buhay.
Hindi naman masasabi ni Abary na maaaring mailipat sa kulungan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Ivler sapagkat hindi pa niya nabibisita ang naturang pasilidad.
Ang korte na umano ang bahalang magdesisyon para rito. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending