^

Metro

5 kinulong na PUP students, pinalaya na

-

MANILA, Philippines - Iniurong na ng pa­mu­nuan ng Polytechnic Uni­versity of the Philip­pines (PUP)  ang kasong ini­hain laban sa limang estud­yante na nagpuslit ng 13 silya noong naka­ra­ang linggo, upang su­nugin sa kanilang tuition fee protest rally.

Kahapon, dakong alas-12:30 ng hapon  ay tuluyan nang napa­laya ang mga naarestong sina Ferrin Louise Uma­gat Soriano, 19, 2nd year college; Chaser Soriano, 19, 4th year college, Pre­sidente ng Central Stu­ dent Coun­cil; Judy Anne Fabito, 19, 4th year col­lege, Patrick Michael “Piem” Canela, 18, se­cond year college, at si Abriel Mansilungan, sec­retary general ng Ka­bataan Partylist.

Itinanggi naman ni PUP President Dante Gue­­­varra na may pres­sure sa kanila o maging ang umano’y pana­wagan ng isang pre­si­dential candi­date, bag­kus ay napagka­sunduan sa ginanap na konsul­tasyon ng mga opis­yal ng PUP na pa­tawarin ang mga estud­yante dahil first offense lamang naman at binalaan na lamang na bi­bigyan ng disciplinary actions kung uulit pa.

Matatandaan na no­ong Huwebes ay isina­ilalim sa inquest proceed­ings ang mga estudyante sa kasong robbery na may rekomen­dasyong P100-libong piyansa ma­tapos arestuhin dahil sa puwersahang pagpuslit ng mga upuan mula sa PUP campus para sa ka­nilang protesta laban sa tuition fee increase na ipa­tutupad sa susunod na pasukan. (Ludy Bermudo)

ABRIEL MANSILUNGAN

CENTRAL STU

CHASER SORIANO

DANTE GUE

FERRIN LOUISE UMA

JUDY ANNE FABITO

LUDY BERMUDO

PATRICK MICHAEL

POLYTECHNIC UNI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with