Nag-amok patay sa gulpi ng taumbayan

MANILA, Philippines - Patay ang isang 43-anyos na driver makara­ang pagtulungang gulpi­hin nang nagalit na taum­bayan matapos mag-amok at manghalihaw ng itak, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasa­wing amok na si Ronal­ do Enriquez, ng #1791 Tramo St., ng naturang lungsod.

Isinugod din sa na­turang pagamutan ang kapitbahay nito na kan­yang nataga na nakila­lang si Jonie Barcia, 35.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang magtalo sina Enri­quez at kapitbahay na si Bombie Fernando na na­uwi sa suntukan. 

Namagitan at umawat naman ang kapitbahay na si Barcia ngunit mina­sama ito ni Enriquez dahil sa umano’y pagkampi kay Fernando.  Dito ku­muha ng itak sa kanyang bahay si Enriquez at agad na tinaga sa tiyan si Barcia.

Nakita naman ng mga kalalakihang tambay sa lugar ang pagwawala at panghahalihaw ng taga ni Enriquez kaya’t pinag­tulungan bugbugin ang bik­tima hanggang sa mapatay. (Danilo Garcia)

Show comments