^

Metro

40 taong kulong vs 4 kidnaper

- Nina Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinatawan ng mababang korte ng hanggang 40 taong pagkabilanggo  ang apat-katao na napatunayang nag­kasala  ng kasong pang­ho­ hol­dap at pagkidnap sa isang Tsinoy trader may pitong taon na ang nakalipas sa Maynila.

Sa 35-pahinang joint decision ni Judge Silverio Castillo ng Manila Regional Trial Court, Branch 47 noong Marso 25, ang mga akusadong sina Reynante Manzanero, Mario Tayag, Arthur Fajardo at Mario Evangelista ay hinatulang makulong ng hanggang 40 taon batay  na rin sa kasong isinampa ni Tony Chua.

Sa kabila nito, 14 taong pagkabilanggo lamang ang naging hatol laban sa akusa­dong  si Angelito Evangelista dahil sa detalyadong testi­monya ng biktima na hindi ka­sama sa dumukot, bag­kus ay pinagbantay lamang sa kaniya habang naka­detine sa isang bahay sa Ta­nauan City, Batangas at pinakain pa siya ng biskuwit sa tindi ng kagutuman.

“Wherefore, the court finds accused Reynante Manza­ nero, Mario Tanyag, Arthur Fajardo, and Mario Evan­gelista guilty beyond reasonable doubt for the felony of kidnapping and serious illegal detention with ransom and in conformity with law they are hereby sentenced to suffer separate priston term of Reclusion Perpetua and to pay the cost,” ayon pa sa desisyon ng hukom.

Kasabay nito, inatasan din ni Castillo ang limang akusado na magbayad ng P50,000 kay Chua kapalit ng mga kagamitan na kanilang nilimas matapos na kidnapin habang dinagdagan pa  ni Castillo ng 10 taon ang hatol sa mga akusado dahil sa kasong robbery.

Base sa court record, dinukot si Chua noong 2003, matapos magpakilala ang mga akusado na mga ta­uhan ng National Bureau of Investigation (NBI), pag­katapos na makipaglaro ng mahjong sa kanyang mga kaibigan sa Metropolitan Building in Mabini, Maynila.

Dinala si Chua sa safe­house sa may Tanauan City Batangas at ikinulong sa loob ng may 37-araw.

Humingi ng $3 milyon sa pamilya ni Chua ang mga suspek, subalit bago pa man maibigay ang ransom mo­ney sa mga akusado ay naka­ takas si Chua at naka­pag­sumbong sa awtoridad kaya naaresto ang mga suspek  ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER).

ANGELITO EVANGELISTA

ARTHUR FAJARDO

CHUA

JUDGE SILVERIO CASTILLO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARIO EVAN

MARIO EVANGELISTA

MARIO TANYAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with