MANILA, Philippines - Inaprubahan na ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte Jr. ang paglalaan ng P1,000 quarterly rice assistance sa mga regular employees ng QC hall.
Sa isang memorandum circular, inutos ni SB ang pagpapalabas sa naturang pondo mula sa city executive budget ngayong taon para maipatupad ang pagkakaloob ng dagdag na benepisyo sa mga empleado simula sa pagtatapos ng buwan ng Marso ng taong ito.
Naglaan ang pamahalaang lungsod ng halagang P10 milyon para sa naturang rice assistance.
Sinabi pa ni Mayor Belmonte na ang hakbang ay bilang token sa patuloy na suporta ng mga tauhan sa pagpapasigla ng ekonomiya ng lungsod. (Angie dela Cruz)