Houseboy nagbigti, patay

MANILA, Philippines - Dahil sa problema sa buhay, isang 23-anyos na binata ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti sa kanyang sarili kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Jaymar Enciso, 23, stay-in houseboy, ng Urbano St., Brgy. Bagbag ng na­banggit na lungsod

Base sa ulat, nadis­kubre ang pagpapatiwakal ng bik­tima dakong alas-2 ng mada­ling-araw sa na­sabing bahay.

Nauna rito, ginising ang ka­sambahay na si Sopia Ba­lano ng family driver na si Al­fredo Sarino upang dalhin sa San Lazaro Hospital ang ka­nilang amo.

Sinasabi pang matapos buksan ang gate ng bahay at maisara ito ni Balano, puma­sok siya sa kanilang quarters at dito laking gulat nito dahil nakabitin na si Enciso sa iron grill gamit ang isang itim na kable na ipinulupot sa kan­yang leeg.

“Walang suicide note pero sabi ni Balano ma­tapos silang maghapunan ng alas-11 ng gabi nasabi sa kanya ng na­sawi na ‘baka di na tayo mag­kita-kita at bigla na lamang akong mawala’. Dahil dito ay hindi na nga natuloy na dalhin sa pagamutan ’yung amo nila”, ayon pa sa pulisya.  

Sinasabing may dinada­lang problema ang biktima sa hindi malamang dahilan na ma­lamang umanong dinam­dam nito kaya nag­pasyang magpaka­matay.

Gayunman, ang kasong ito ay patuloy na iniimbes­tigahan ng pulisya  para ma­laman kung mayroon o walang foul play sa pagka­matay nito. (Angie dela Cruz)

Show comments