Kampanya umarangkada!

MANILA, Philippines - Kaugnay ng pagsisimula ng  kampanya ng mga lokal na kandidato, umarangkada na kahapon sina Manila Mayor Alfredo S. Lim at runningmate nito na si Vice Mayor Isko Moreno sa isina­gawang motorcade sa ilang lugar sa Maynila.Bago ang  motorcade, pinasinayaan muna ng dalawa ang bagong semen­tadong Patria at Nepa Sts. sa  Tondo. Inikot ng mga ito ang mga lugar sa 1st, 2nd at 3rd district. Nabatid na  inatasan na rin ni Lim si  chief of staff Ric de Guzman  na ipamahagi na  ang mga campaign materials alinsunod na rin sa regulasyon ng  Commission on Elections. (Doris Franche)

Show comments