Kampanya umarangkada!
MANILA, Philippines - Kaugnay ng pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato, umarangkada na kahapon sina Manila Mayor Alfredo S. Lim at runningmate nito na si Vice Mayor Isko Moreno sa isinagawang motorcade sa ilang lugar sa Maynila.Bago ang motorcade, pinasinayaan muna ng dalawa ang bagong sementadong Patria at Nepa Sts. sa Tondo. Inikot ng mga ito ang mga lugar sa 1st, 2nd at 3rd district. Nabatid na inatasan na rin ni Lim si chief of staff Ric de Guzman na ipamahagi na ang mga campaign materials alinsunod na rin sa regulasyon ng Commission on Elections. (Doris Franche)
- Latest
- Trending