^

Metro

Estudyante tumalon sa footbridge

-

MANILA, Philippines - Sa takot na mapagalitan ng kanyang mga magulang mata­pos na mabiktima ng grupong Budol-budol, isang 18-anyos na estudyante ang nagtang­kang magpaka­matay sa pa­ma­magitan ng pagtalon sa footbridge sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa kabila ng halos ilang talampakang taas ng tinalon, masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan at nag­tamo lamang ng sugat at bali sa kanang kamay si Benjamin Cueta Jr., binata ng Block 22, Lot 22, Hauskol Homes, Tanza Cavite.

Ayon sa ulat ng Police Station 9 ng Quezon City Police, nangyari ang pagtalon ng biktima sa may fedestrian footbridge sa Commonwealth Ave­nue, Philcoa, North bound Diliman sa lungsod ganap na alas-6 ng gabi.

Bago nito, nagpunta muna umano ang biktima sa computer shop malapit sa may Philcoa para mag-type ng kanyang gawain sa klase.

Habang nasa loob ng computer shop, nilapitan ang biktima ng apat na kalalakihan at sa pamamagitan ng magan­dang pananalita ay nakum­binsi itong ibigay ang kanyang laptop, MP4 cellphone at wallet na naglalaman ng hindi mabatid na halaga.

Nang makuha ang pakay ay iniwan na lang ang biktima ng mga suspect.

Samantala, nang mala­ man umano ng biktima na nabik­tima siya ng Budol-Budol gang ay nawala na ito sa sarili. At sa takot na paga­litan ng kan­yang mga ma­gulang matapos ma­wala ang mga gamit, sa kan­yang kali­tuhan ay tumalon ang una sa nasabing tulay.

Sa pagbagsak ng biktima ay agad na nawalan ito ng malay dahilan upang magdulot naman ng matinding trapik sa nasabing lugar. (Ricky Tulipat)

AYON

BENJAMIN CUETA JR.

COMMONWEALTH AVE

HAUSKOL HOMES

PHILCOA

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

TANZA CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with