2 supplier ng magic sugar, timbog
MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 ang dalawang sinasabing suplayer ng mga vendor ng ‘samalamig’ ng ipinagbabawal na ‘magic sugar’, sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng umaga, sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Javier at Mark Nadal.
Nasamsam sa mga suspek ang sampung plastic ng magic sugar o neotogen, na delikado sa kalusugan ng tao dahil sa taglay nitong sodium cyclamates.
Naganap ang buy-bust operation dakong alas-10:00 ng umaga, sa Elcano St., Divisoria, sa Tondo, Maynila.
Ayon pa sa impormasyon, estratihiya ng dalawang suspek na palabasing ice candy ang kanilang mga dalang magic sugar upang hindi mahalata ng awtoridad. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending