Stradcom pumalag sa PETC-IT providers
MANILA, Philippines - Inihayag ng Stradcom Corporation, ang IT providers ng Land Transportation Office (LTO) na ang kasalukuyang sistemang ginagamit ng mga Private Emission Testing Centers (PETC)-IT providers ang dahilan kung bakit talamak ang problema ng non-appearance ng mga sasakyan sa emission test.
Sa statement ng Stradcom nakasaad na magpapatuloy ang non-appearance sa emission test ng mga sasakyan dahil ang sistemang ginagamit ng mga PETC- IT providers ay walang sapat na kakayahan upang mapigil ito.
Sa pamamagitan umano ng kautusan ng LTO, inaasahan umano na mas magiging epektibo ang ganitong sistema upang sugpuin ang non-appearance test dahil hindi na magkakaroon ng tinatawag na “middle layer” na kung saan ay puwedeng mamaniobra ang isang resulta ng emission test.
Kalokohan umano ang naunang ipinahayag ng PETC IT providers na ang ginagawa nitong “test mode” sa mga motor vehicles ng LTO ay hindi dahilan ng pamamayagpag ng non appearance testing.
Lumang tugtugin na umano ito na kung saan ay pilit pinagtatakpan ng mga PETC-IT providers ang matagal ng problema ng non-appearance kung kaya’t hindi nito masugpo- sugpo.
- Latest
- Trending