^

Metro

Magic sugar sa QC, tinututukan

-

MANILA, Philippines - Puntirya ni QC Vice-Mayor Herbert “Bistek” Bau­tista, na ngayon ay tumatakbong mayor sa ilalim ng Liberal Party na pangalagaan ang kalusu­gan ng mga residente, kaya naman mahigpit na pinatutukan nito sa health office ng lungsod ang lu­ma­lalang kaso ng pag­gamit ng “magic sugar” sa mga palengke at mga ambulant vendor.

Ayon kay Bistek, kaila­ngang masigurong ligtas ang mga residente sa lungsod sa mga binibi­ling pagkain sa kalye lalo na ang mga pampalamig, dahil batid naman ng lahat na ang nasabing asu­kal ay may masa­mang epekto sa kalusu­gan sa sandaling ma­inom.

Pinasisiyasat din ni Bistek sa health office ang mga palengkeng pinaniniwalaang nagbe­benta nito matapos ma­pag-alamang nagkalat na ito sa merkado.

Samantala, katuwang ni Bistek sa nasabing aksyon si Vice mayoralty candidate Joy Belmonte, lider din ng grupo ng mga kababaihan na humi­hikayat sa mga taga -lungsod na maging ma­panuri sa kanilang mga binibiling pagkain sa labas o sa loob man ng mga malls.

Naging adhikain ng dalawang opisyales na bigyan ng magandang kalusugan ang mga taga -QC kung kaya patuloy ang pagbibigay paalala ng mga ito na mag-ingat at maging mapanuri sa kanilang mga binibili.

AYON

BAU

BISTEK

JOY BELMONTE

LIBERAL PARTY

PINASISIYASAT

PUNTIRYA

SHY

VICE-MAYOR HERBERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with